Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Akala ko sa book lang


                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 Noong bata pa ako,nakikita ko ang  pangalang "Baguio" sa libro.Hinde ko sukat akalain na isang araw,narating ko ang lugar na ito.Akoy lubos na nag papasalamat sa panahong maalala ko ito.Kasi marami akong nakikita  na magagandang tanawin dito.Kailangan lang natin ay tiyaga,Katulad ng experienced namin Last 2015,April yon.Nakarating kame sa  terminal ng bus sa pasay mga 11:30 ng gabi.,Wala nang tulogan,kailangan talagang mag sakripisyo upang makarating sa Baguio.Sulit ang lahat ng paghihirap kapag nasilayan mona ang isa sa ipinagmamalaki ng pilipinas. Ang"Baguio City."

Martes, Pebrero 7, 2017

Mga sakripisyo para sa pamilya


           Ang pamilya ay siyang sandigan sa gitna ng pagsubok.Sa pamilya hinuhubog ang positibong kaugalian at paniniwala ng isang tao."Salamat" ito ang salita na masarap pakinggan, lalo na kung itoy para sa ating mga magulang. Hindi man sila perpekto sa ating paningin,ngunit ang kanilang paghihirap ay damang dama natin. Ang importanti sa pamilya ay sama-sama sa pagharap ng problema.Panatilihing masaya,matatag,at manalig sa Panginoon,upang ang lahat ng sakripisyo  ay magkaroon ng kahulogan.Ang hiling ko bilang Ina,panatiling mapag mahal sa bawat isa.Kahit iba-iba ang ugaling ipinakita,basta may pagmamahal ang lahat ay makaya.Sa kabila ng mga sakripisyong ipinakita ikaw, ako siya, sila, ang mahalaga.